IKA- (*BILANG) NA PALATUNTUNAN
NG PAGTATAPOS SA (*PAARALAN)
EMCEE: Dalawang taon mula ng
harapin natin ang mapanghamong pandemya, pinanday ang kaisipan, hinasa ang kasanayan, at
pinagyabong ang mga pagpapahalagang Pilipino ng lahat ng mga mag-aaral upang
ihanda sila sa hamon ng buhay.
EMCEE: Sa ika (*BILANG) na palatuntunan ng pagtatapos sa (*PAARALAN) ay ating saksihan ang unang hakbang ng mga mag-aaral upang makamit ang minimithing tagumpay.
EMCEE: Mga kaibigan, sama- sama nating ipagdiwang ang mga GRADWEYT NG K TO 12: MASIGASIG SA MGA PANGARAP AT MATATAG SA MGA PAGSUBOK.
EMCEE: Ating palakpakan ang mga mag- aaral na magsisipagtapos kasama ang mga mahahalagang tao sa kanilang buhay.
Mga Magsisipagtapos (by Emcee)
EMCEE: Pamunuan ng (*PAARALAN)
____________________ (Tagamasid
Pampurok)
____________________ (Punongguro)
____________________ (Guro
sa Pre-Elementarya)
____________________ (Guro sa Unang Baitang)
____________________ (Guro sa Ikalawang Baitang)
____________________ (Guro sa Ikatlong Baitang)
____________________ (Guro sa Ikaapat na Baitang)
____________________ (Guro sa Ikalimang Baitang)
____________________ (Guro sa Ikaanim na Baitang)
EMCEE: Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Kagalanggalang Punong-Bayan (*PANGALAN) at Pangalawang Punong-Bayan (*PANGALAN).
EMCEE: Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Kagalanggalang (*PANGALAN).
EMCEE: PAMUNUAN NG MGA GURO AT MAGULANG sa pangunguna ni (*PANGALAN).
EMCEE: Sa pagkakataon pong ito, ang lahat ay inaanyayahang tumayo at tumahimik sumandali para sa pag-awit ng LUPANG HINIRANG sa pagkumpas ni (*PANGALAN), susundan ng PANALANGIN sa pangunguna ni (*PANGALAN) (Batang May Karangalan), PANUNUMPA SA WATAWAT NG PILIPINAS sa pangunguna ni (*PANGALAN) (Batang May Karangalan), pag awit ng HIMNO NG CALABRAZON, HIMNO NG BATANGAN, at HIMNO NG PADRE GARCIA sa muling pagkumpas ni (*PANGALAN).
LUPANG HINIRANG
PANUNUMPA SA WATAWAT
PANALANGIN
HIMNO
EMCEE: Maaari na po tayong
magsiupo at damhin ang kadalisayan ng ating palatuntunan ngayong araw.
Taos puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakikibahagi sa napakahalagang pagdiriwang na ito. At upang ganap tayong tanggapin ngayong araw ng pagtatapos ay nais ko pong tawagin ang mag-aaral na May Karangalan, (*PANGALAN). Atin po siyang palakpakan.
BATING PAGTANGGAP
EMCEE: Muli po nating palakpakan ang isa sa mahuhusay nating mag-aaral. Maraming salamat sa iyong mga pananalita.
Sa pagkakataon pong ito, tayo po ay dadako na sa PAGSUSULIT NG MGA MAGSISIPAGTAPOS. Ito po ay gagampanan ni (*PANGALAN) (Gurong Tagapayo sa Ika-anim na Baitang), at susundan ng PAGTANGGAP NG MGA MAGSISIPAGTAPOS ni (*PANGALAN) (Punungguro I), PAGPAPATUNAY NG PAGTATAPOS ni (*PANGALAN) (Tagamasid Pampurok), at PAGPAPATIBAY NG PAGTATAPOS ni (*PANGALAN) (Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan).
PAGSUSULIT NG MGA
MAGSISIPAGTAPOS
PAGTANGGAP NG MGA
MAGSISIPAGTAPOS
PAGPAPATUNAY NG PAGTATAPOS
PAGPAPATIBAY NG PAGTATAPOS
EMCEE: Ngayon po ay ganap na ang pagtatapos ng ating mga mag-aaral. Bigyan po natin sila ng isang masigabong palakpakan.
Inaanyayahan po muli ang ating masipag at kagalang galang na Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan, (*PANGALAN), kasama ang ating Tagamasid Pampurok, (*PANGALAN), gayundin ang ating Punungguro I (*PANGALAN), kasama ang ating mga panauhin para sa paggagawad ng katibayan ng pagtatapos.
PAGGAGAWAD NG KATIBAYAN SA MGA NAGSIPAGTAPOS (by Adviser)
EMCEE: Muli po ay ating palakpakan ang mga mag-aaral na nagsipagtapos, gayun din po ang ating mga mahal na magulang na taos puso ang pagsuporta sa kanilang mga anak. Binabati po namin kayong lahat.
Upang bigyang inspirasyon ang mga nagsipagtapos na patuloy na katawanin ang pagiging GRADWEYT NG K TO 12 NA MASIGASIG SA MGA PANGARAP AT MATATAG SA MGA PAGSUBOK, tunghayan natin ang mensahe ng ating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, SECRETARY LEONOR MAGTOLIS BRIONES.
MENSAHE
EMCEE: Maraming salamat po SECRETARY LEONOR M. BRIONES sa inyong mga pananalita at sa anim na taon na pagtataguyod sa Kagawaran ng Edukasyon. Tiyak na nagbinhi ng pag-asa sa puso ng mga nagsipagtapos ang inyong pagbati. Maraming-maraming salamat po sa patuloy na inspirasyon na ibinibigay nyo sa bawat isang mag-aaral, magulang, lingkod-bayan, at guro na sa tuwina’y hanap ang kalinga at pagmamahal. Maraming-maraming salamat po. Kaya, muli po natin siyang palakpakan.
Hindi matatawaran ang pagtataguyod ng mga hakbang sa lalong pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa rehiyon ng CALABARZON. Ito ay bunga ng sipag, talino at determinasyon sa trabaho ng ating Regional Director. Pakinggan natin ang mensahe para sa mga batang nagsipagtapos. Mga kaibigan, isang masigabong palakpakan kay REGIONAL DIRECTOR FRANCIS CESAR B. BRINGAS.
MENSAHE
EMCEE: Marami pong salamat RD Panchet sa lahat ng magagandang adhikain para sa Region 4A- CALABARZON. Pagpapatunay sa patuloy na pagsasabuhay ng ating mantra na “Excellence is a culture, and Quality is a commitment.”
Totoo rin sa pangako ang DepEd (SDO) na mapangalagaan at maitaguyod ang karapatan ng bawat Pilipino sa kalidad, pantay, nakabatay sa kultura at kumpletong pangunahing edukasyon. Ngayon po ay isa pang mensahe ang ating mapapakinggan mula sa ina ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng (*SDO), atin pong palakpakan ang ating Tagapamanihala ng mga Paaralan, (*PANGALAN).
MENSAHE
EMCEE: Marami pong salamat (*PANGALAN) sa pagbati sa ating mga nagsipagtapos. Tunay na pusong Batangueno, lahing Barako, at tatak ang tapang gaya ng ilan sa mga bayani ng bansa na lumaban para sa ating kalayaan.
Isa po muling mensahe ng inspirasyon ang ihahatid sa ating mga mag-aaral sa kanilang pagtatagumpay sa mga hamon ng Covid 19, pakinggan natin ang tinig ng mapagkalingang ina ng DepEd (*DISTRICT), (*PANGALAN).
MENSAHE
EMCEE: Isa po muling masigabong palakpakan ang igawad natin sa ating Tagamasid Pampurok, (*PANGALAN) sa kanyang mensahe para sa ating mga batang nagsipagtapos.
Nabanggit sa isang kasabihan sa Ingles na may katumbas na kataga sa Filipino na, “Ang Dakilang Kapangyarihan ay may Kaakibat na Malaking Responsibilidad.” At yan ang pinatunayan ng Ina ng Bayan ng (*MUNICIPALITY). Sa kanyang patuloy na pagdadala ng mga pagbabago, tiyak na mag-iiwan ng marka ang bayan ng (*MUNICIPALITY). Atin pong pakinggan ang mensahe ng ating iginagalang na PunongBayan, (*PANGALAN).
MENSAHE
EMCEE: Isa po muling masigabong palakpakan ang ating ibigay kay (*PANGALAN). Pinatunayan nyo po na ang isang munting bayan na gaya ng (*MUNICIPALITY) ay maaaring makipagsabayan sa iba sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo publiko.
Kapag pinag-usapan ang makaGarcianong serbisyo publiko, ito ay kasingkahulugan ng dedikasyon at pagmamahal sa bawat kabataang Garciano, at nakatitiyak tayo na ipagpapatuloy ng bagong halal na Pangalawang PunongBayan ang pagmamahal sa Kagawaran ng Edukasyon- (*MUNICIPALITY), mga kaibigan atin pong palakpakan si (*PANGALAN).
MENSAHE
EMCEE: Marami pong salamat sa ating (*PANGALAN) para sa kanyang mensahe sa ating mga batang nagtapos.
Ngayon po naman ay isa muling pananalita ang ating masasaksihan mula sa butihing ama ng Barangay Banaba, mga kaibigan, atin pong palakapakan si (*PANGALAN).
MENSAHE
EMCEE: Marami pong salamat (*PANGALAN) sa inyong pagbati sa ating mga nagsipagtapos.
Sa pagkakataon pong ito ay gusto kong bigyang pansin ang presensya ng isa sa mahahalagang kaagapay ng ating paaralan. Isa sa palaging nagbibigay ng agarang tugon sa mga pangangailangan ng (*PAARALAN); ang Pambarangay na Tagapangulo ng Kometiba ng Edukasyon, (*PANGALAN).
MENSAHE
EMCEE: Masigabo pong palakpakan ang ating igawad sa ating Pambarangay na Tagapangulo ng Kometiba ng Edukasyon, (*PANGALAN) para sa kanyang mensahe para sa ating mga mag-aaral.
Hindi rin matatawaran ang pagmamahal at suporta na ipinamalas ng ating mga magulang para sa pag-aaral ng ating mga anak sa gitna ng mapanghamong panahon ng pandemya. Sila ang naging tanglaw at gabay ng ating mga batang nagsipagtapos upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa edukasyon. Ngayon po ay ating masasaksihan ang isang mensahe mula sa kinatawan ng pangkalahatang samahan ng mga magulang at guro sa ating paaralan, atin pong palakpakan si (*PANGALAN).
MENSAHE
EMCEE: Marami pong salamat (*PANGALAN) sa napakahabang panahon ng paglilingkod para sa ating paaralan. Marahil ay ito ang huling pag-akyat ninyo sa entablado ng (*PAARALAN) bilang isang magulang, sabay sa pagtatapos ng isa sa mahuhusay po ninyong mga anak. Subalit, sana ay hindi dito nagtatapos ang inyong paglilingkod para sa ating paaralan.
Ngayon naman po ay dadako tayo sa pananalita ng batang may munting tinig subalit may malaking pangarap at inspirasyon para sa bawat isa. Isa sa mga mag-aaral na nagkamit ng mataas na karangalan. Atin pong palakpakan si (*PANGALAN).
PANANALITA
EMCEE: Maraming salamat sa iyong mensahe (*PANGALAN), tunay na napakalaking karangalan ang naibigay mo sa ating mutyang paaralan simula ng ipamalas mo ang iyong husay sa larangan ng pagkatuto.
Ngayon naman po ay ang paggagawad ng medalya ng karangalan. (INVITE GUESTS AT THE HEAD TABLE)
MAY KARANGALAN
MAY MATAAS NA KARANGALAN
EMCEE: Bigyan po natin ng
masigabong na palakpakan ang mga natatanging mag-aaral na nagkamit ng
karangalan. Nawa ay ipagpatuloy ninyo ang pagpapamalas ng kahusayan saan man
kayo makarating na mataas na antas ng pag-aaral. At nawa ay lagi ninyong
ikikintal sa inyong mga isip na minsan sa inyong mga unang hakbang ay nakasama
ninyo ang (*PAARALAN).
Ngayon naman ay dadako tayo sa panunumpa ng mga nagsipagtapos sa pangunguna ni (*PANGALAN) (Batang May Karangalan).
PANUNUMPA NG MGA NAGSIPAGTAPOS
EMCEE: Tunay na ang tagumpay ng isang institusyon ay nakasalalay sa isang paglilingkod na may puso. At natunghayan ng mutyang paaralan ang isang tapat na serbisyo-publiko na ikinatagumpay ng mga programa at proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa pagkakataong ito ay ating maririnig tinig ng walang hanggang pasasalamat sa lahat ng nakibahagi sa napakahalagang gawain natin ngayon. Mga kaibigan, biyan natin ng isang masigabong palakpakan ang isa sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan para sa isang pangwakas na pananalita, (*PANGALAN).
PANGWAKAS NA PANANALITA
EMCEE: Muli po nating palakpakan si (*PANGALAN) para sa kanyang mga pananalita. Maraming salamat sa iyo.
Ilang taon ang ginugol ng ating mga anak sa elementarya. Maraming mga sakripisyo ang inilaan ng ating mga magulang upang sila ay mapatapos, kaya mahal naming mga magulang, hayaan po ninyong pasalamatan kayo ng inyong giliw na anak sa pamamagitan ng isang awitin. Samahan natin sila sa napakaraming pangarap na kanilang aabutin sa hinaharap.
AWIT NG NAGSIPAGTAPOS
EMCEE: Tunay na tunay na lahat ng mga mag-aaral na nagsipagtapos ay maipagmamalaki ng (*PAARALAN), lalo’t higit ng kanilang mga mahal na magulang.
At sa ating mga magulang, saludo po kami sa inyo at isang hamon na naman ang ating napagtagumpayan. Muli po palakpakan po natin ang ating mga sarili.
Pagbati muli para sa ating mga nagsipagtapos. Muli natin silang bigyan ng masigabong palakpakan.
Dito na po natatapos ang ating palatuntunan. Gusto po naming pasalamatan ang lahat ng mahahalagang taong nakibahagi sa napahalagang pagdiriwang na ito. Sa ngalan po ng (*PAARALAN), kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo. Maraming salamat po.
Ako po muli si (*PANGALAN), ang inyong GURO NG PALATUNTUNAN!
MARAMI PONG SALAMAT AT MABUHAY TAYONG LAHAT!!!
PAGLABAS NG MGA NAGSIPAGTAPOS, MGA MAGULANG, MGA GURO, MGA PANAUHIN